Halos P50-B, inilabas ng DBM noong 2023 para sa social assistance program ng Marcos admin

Halos P50-B, inilabas ng DBM noong 2023 para sa social assistance program ng Marcos admin

HALOS P50-B (47.54) ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa mga programang layuning tumulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Ipinamahagi ang pondo sa ilalim ng Protective Services of Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC) program kung saan saklaw ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Para sa 2024, nasa P34-B (34.27) ang inilaan para sa kaparehong programa.

Target ngayong taon ang 3.9-M benepisyaryo sa buong bansa para dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble