Hamas leader Ismail Haniyeh, kasama sa papanagutin sa “war crimes” sa Israel

Hamas leader Ismail Haniyeh, kasama sa papanagutin sa “war crimes” sa Israel

KASAMA si Ismail Haniyeh, ang Hamas leader na naka-base sa Qatar sa mga posibleng mahaharap kaugnay sa umano’y war crimes na nagaganap sa Israel.

Kasunod ito sa request ng International Criminal Court na arrest warrant para kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, ang defense chief nito at maging tatlong Hamas leaders kasama na si Haniyeh.

Sa ngayon ay mahigit 35-k katao na ang namatay sa Gaza dahil sa nagpapatuloy na digmaan ng Hamas militant group at Israeli Defense Force.

Oktubre 2023 nang ito ay mag-umpisa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter