NAKIKIISA ang buong hanay ng Northern Police District (NPD) sa hangad na magkaroon ng maayos, payapa, ligtas at malinis na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Sa katunayan, nangako ang NPD na hindi nila hahayaan na mamayani ang takot ng mga residente sa kanilang nasasakupan sa gitna ng botohan para sa BSKE.
Ayon sa PNP, walang puwang sa kanila ang mga masasamang gawain at aktibidad ngayong halalan, para idiskaril ang malayang pagpili at pagboto ng publiko sa mga kandidato para sa BSKE.
Kasabay rito ang panawagan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na pangalagaan ang integridad ng halalan bilang bahagi ng prebilihiyo na ipinagkakaloob ng konstitusyon sa mamamayang Pilipino tungo sa mas maayos at progresibong henerasyon.
Isa sa mga lugar na babantayan ngayon ng NPD ang seguridad sa Brgy. 176 ng Bagong Silang, North Caloocan na may pinakamaraming botante para sa 2023 BSKE.