Handwashing facility: Bagong simula ng samahang Makati High School at Chinese Embassy

Handwashing facility: Bagong simula ng samahang Makati High School at Chinese Embassy

BAYANIHAN, yan ang ipinamalas ng Makati High School (MHS) at ng People’s Republic of China Embassy to the Philippines sa pagsisimula ng kanilang samahan matapos isagawa ang turn-over ceremony ng handwashing facility sa MHS na ipinatayo ng Chinese Embassy sa pamumuno ni H.E. Huang Xilian upang suportahan ang Brigada Eskwela ng paaralan nitong ika-17 ng Marso 2022.

Sinabi ng School’s Division Superintendent  (SDO) Makati na si Carleen S. Sedilla, “Sa Pilipinas, mayroon tayong salitang Tagalog na ‘Bayanihan.’ Ito ay karaniwang isang komunidad na nagtutulungan upang makamit ang isang layunin. At ngayon, nakita natin kung paano gumagana ang Bayanihan hindi sa ating komunidad lamang, at ngayon ay tinatanggap natin ang Embahada ng People’s Republic of China bilang bahagi ng ating Bayanihan community.”

“Gusto ko ang salitang ginamit ni superintendent na ‘Bayanihan.’ Ito rin ay isang karaniwang ginagamit na salita sa China. Ito ay isang partnership, at ang ating kooperasyon sa maliit na proyektong ito ay isang ehemplo ng ating kabuuang partnership ng Bayanihan,” ani Ambassador Huang.

Kasama ni Ambassador Huang sa turn-over ceremony na ginanap sa MHS Conference Room sina, Councilor of Education Department Xhiong Sheng, Schools Division Superintendent at DepEd Makati School Division Office’s Carleen Sedilla, CESE; MHS’ Principal Felix Bunagan, Brigada Eskwela 2020 Faculty Coordinator Angelito Baloloy, Supreme Student Government (SSG) President Francine Dela Cruz, faculty member Lilio Carreon Jr., na nagsilbi bilang Master of Ceremony at mga kinatawang mag-aaral mula sa STEM A at HUMSS A.

MHS ang unang paaralan sa Pilipinas na pinagkalooban ng handwashing facility bilang kauna-unahang partnership ng MHS at ng Chinese Embassy. May layuning mabigyan ang paaralan ng karagdagang kaligtasan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang anumang uri ng sakit sa panahon ng pandemya. Magiging malaki ang pakinabang nito sa mga stakeholder ng paaralan lalo na sa mga mag-aaral dahil isinagawa na ang pinalawak na limited face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Senior High School na nagsimula noong Marso 14.

Follow SMNI News on Twitter