Hanging amihan umiiral sa Northern Luzon

Hanging amihan umiiral sa Northern Luzon

UMIIRAL ang hanging amihan sa Northern Luzon habang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Mindanao.

Dahil sa amihan, magiging maulan sa Cagayan Valley, Cordillera, at Ilocos Region.

Dahil naman sa ITCZ, asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region, Caraga, SOCCSKSARGEN, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi habang pulo-pulong mga pag-ulan sa iba pang lugar sa Mindanao.

Samantala, sa Metro Manila, localized thunderstorm ang maaaring sanhi ng mga pulo-pulong pag-ulan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter