Harassment ng China sa WPS, dahil sa pagdagsa ng mga Amerikano sa Pilipinas —Retired Air Force General

Harassment ng China sa WPS, dahil sa pagdagsa ng mga Amerikano sa Pilipinas —Retired Air Force General

MAY bago uling tensiyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pinakahuling insidente – naputulan ng daliri ang isang Navy personnel sa isinagawang resupply mission matapos makagirian ang Chinese Coast Guard.

Para kay retired Air Force General Romeo Poquiz, masakit bilang dating kawal na makita ang mga ganitong insidente.

Kaya dinaan niya na lang sa isang Facebook post ang pagpapaliwanag.

Ani Poquiz, ang Amerika at hindi ang Pilipinas ang tunay na kalaban ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Saad niya, ang labis na pagkiling ng Marcos Jr. administration sa mga Amerikano ang dahilan kung bakit ganito tayo itrato ng China.

Paano kumiling? Sa pagpayag ng gobyerno na magdagdag ng EDCA sites ang mga kano.

Bagay na malayong-malayo sa Vietnam ani Poquiz na hindi hina-harass ng China sa disputed areas.

Sa kabila ito ng matinding reclamation at weaponization ng Vietnam sa mga inaangkin nilang bahura at isla.

“I say again. The Philippines is not the enemy of China in the South China Sea. It is the mighty USA. Why do you think China harasses Filipino citizens doing resupply missions to the Ayungin Shoal but allows Vietnam unhampered reclamation and weaponization of the rocks and shoals it occupies in areas inside China’s 9-dash line? Because Vietnam does not act as a puppet of the USA like the Philippines,” saad ni Retired Major General Romeo Poquiz.

Kung susumahin ani Poquiz, ang hindi pagiging ‘puppet’ ng Vietnam sa US ang dahilan kung bakit hindi sila ginagalaw ng China.

Paliwanag pa nito, maliit na bahagi lamang ng Philippine-China relations ang isyu sa WPS.

Diplomasya ang solusyon dito ayon sa retiradong heneral at hindi ang pagpapasaklolo sa Amerika na hindi naman Asyano.

“What is big and a no no to China is the US meddling in purely Asian domestic affairs, where China is encircled by many US bases, including 9 from the Philippines, and missiles pointed at China,” ani Poquiz.

Binigyang-diin naman ni Poquiz na walang tulong na aasahan ang mga Pilipino sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Pilipinas at China.

At gaya ng sa Ukraine — mga bomba, baril at gamit pandigma lang ang ipapadala nito…

Sabay pain sa ang ating mga sundalo sa tiyak na kapahamakan.

Kung sisiklab ang giyera, tinanong ni Poquiz kung handa ba talaga ang pamahalaan na lumaban?

Na kapag sumabog ang gulo ay pitong araw lang ang itatagal ng ating oil supply sa mga tangke at sasakyang pandigma ng AFP.

“With the privatization of the oil industry and oil deregulation, the government relies on the private sector to do all these. Do the private oil companies have enough stocks and strategic reserve?” dagdag ni Poquiz.

Tanong ni Poquiz — paano pakakainin ng gobyerno ang mga Pilipino sa panahon ng giyera?

Eh ngayon pa nga lang ay problema na ang mahal na presyo ng bigas, ng isda, at iba pang suplay ng pagkain?

“During war, how do we feed our people when we import rice, despite us as an agricultural country? We even import fish, especially the poor man’s galunggong, despite the fact that we are an archipelago surrounded by seas and oceans,” aniya.

Payo naman ni Poquiz sa pamahalaan na huwag magpauto sa US government.

At huwag magpadala sa kayabangan para ipasubo sa giyera ang taumbayan.

“And we are raring to fight, instead of sitting down and negotiate as friends, partners, and neighbors, because we are warriors and our egos are touched?” aniya pa.

Bagay na suportado ng isang dating US Marine Corps Intel Officer.

Ex-US Intel Officer sa mga Pilipino: Gumising kayo sa katotohanan, hindi kayo tutulungan ng US

“China doesn’t want war. And if you would engage China in diplomacy, and as we’ve all indicated here, America has long since lost the skill set necessary to carry out diplomacy. But the Filipinos, the Philippine people can reignite this, relearn it, and use this skill to prevent a war. But if you continue to behave as colonial subjects, and I know that’s a sore, sore, sore subject of the Filipino, because you were the colonial subjects of America. We still view you as our colonial subjects. We don’t like you. We don’t care about you. We just want to use you. Grow up. Grow up and act responsibly. Take control of your own future. America is not here to help you. America is here only to use you until there’s nothing left. And then we will discard you on the trash heap of history,” pahayag ni Scott Ritter, Former US Marine Corps Intelligence Officer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble