Hari ng Malaysia, hinimok ang gobyerno na maging maagap sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad

HINIMOK ng hari ng Malaysia ang mga ahensya ng gobyerno na maging mas maagap sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ipinag-utos ni Yang di-Pertuan Agong, Al-sultan Abdullah Ri’Ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah ang mga ahensya ng gobyerno na maging mas maagap sa mga pagsisikap na iligtas ang mga biktima ng baha at magbigay ng tulong sa mga ito.

Matatandaan na iniutos ng hari na isagawa ang COVID-19 screening test  para sa mga biktima ng baha sa lahat ng mga relief center upang matiyak na walang hawaan na magaganap.

Bukod pa rito, nagpahayag din ng pasasalamat ang hari, sa lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno na tumulong sa pamamahala sa mga biktima ng baha.

Nauna rito, binisita ng hari ang mga biktima ng kalamidad sa ilang relief centers, halos tatlong oras na nakikisalamuha ang hari sa mga biktima ng baha gayundin ang pag-abot ng mga donasyon sa 277 pamilya.

Samantala, muling pinaalalahanan ng hari ang lahat ng partido sa mga relief center na sumunod sa Standard Operating Procedures (SOP) na itinakda ng health ministry.

SMNI NEWS