Hazard pay para sa mga frontliners, aprubado na

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order na magbibigay ng benepisyo sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan na patuloy na gumaganap sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng administrative order 26, iniutos ni Pangulong Duterte na bigyan ng hazard pay ang lahat ng government workers na patuloy na pumapasok sa trabaho sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Sa naturang AO, inatasan ang national government agencies, gayundin sa mga state universities and colleges at government-owned and controlled corporations na bigyan ng hazard pay nang hindi lalagpas sa P500 kada araw ang bawat personnel na regular, contractual o mga nasa casual position sa National Capital Region at iba pang local government units.

Sakop din ng kautusan ang mga contract of service, job order o kahalintulad na personnel.

Gayundin ang mga empleyado ng Senado, House of Representatives.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.