Hazard pay para sa mga volunteer health workers, ipananawagan

HUMIHINGI ngayon ng linaw si Senator Sonny Angara sa Department Of Health (DOH) kung kasali ba ang mga volunteers sa special risk allowance.

Ito ay matapos lagdaan na ni Pangulong Duterte ang Bayanihan To Heal As One Bill bilang isang batas.

Nakasaad sa naturang batas ang pagbibigay ng financial aid sa mga government personnel, health workers at indigent families.

Ani Angara, kung pagbabasehan ang terminong ‘Hazard Pay’ ito ay para sa mga taong buwis-buhay na nagtratrabaho at makokonsiderang qualified dito ang mga volunteers.

Hindi naman aniya ibig-sabihin ay volunteers lamang sila ay hindi na ito babayaran.

Kaya naman panawagan ngayon ng senador sa gobyerno na mabigyan din ng hazard pay ang mga volunteer health workers.

“As the term ‘hazard pay’ implies, what they are doing is extremely hazardous to their health. They are the individuals carrying the most risk of being exposed to the coronavirus, but in spite of the dangers, both to their lives and the lives of their families, they are responding to the call for help from the government.”- Senator Sonny Angara

Leave a Reply

Your email address will not be published.