Hazing sa fraternity, tinuligsa ni Pangulong Duterte

Hazing sa fraternity, tinuligsa ni Pangulong Duterte

TINULIGSA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Miyerkules ang karahasan na ginagawa ng mga fraternity.

Ani Pangulong Duterte, hindi dahilan ng pagkalalaki ng isang tao ang hazing sa mga fraternity.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na miyembro siya ng Lex Talionis Fraternitas Inc. at hinikayat niya ang kanyang grupo na bawasan o alisin na ang hazing.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, sinulatan niya ang kanyang frat na alisin na ang pamamalo sa mga sasali sa grupo.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na dapat ang fraternities ay para makatulong sa pag-aaral.

Magugunitang, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2018 ang Republic Act 11053 or The Anti-Hazing Act of 2018 nang mamatay si Horacio Castillo III ng University of Sto. Tomas.

Noong 2020, dineklara rin ni Pangulong Duterte ang ikalawang linggo ng Pebrero bilang National Hazing Prevention Week.

Follow SMNI NEWS in Twitter