Head coach ng Phoenix Suns tinanggal na matapos ang isang season

Head coach ng Phoenix Suns tinanggal na matapos ang isang season

TINANGGAL ng Phoenix Suns bilang head coach nila si Mike Budenholzer matapos bigo silang makapasok sa NBA Playoffs at Play-in Tournament.

Sa pahayag ng koponan, ang makipagkompetensiya sa pinakamataas na antas ang kanilang layunin ngunit bigo silang matugunan ang mga inaasahan ngayong season.

Matatandaang tinanggap ni Budenholzer ang trabaho bilang head coach ng Suns noong nakaraang offseason.

Ang kontrata niya na nagkakahalaga ng 50 million dollars ay magtatagal sana ng limang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble