Head human rights lawyer, suportado ang panukalang i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga sa Pilipinas

Head human rights lawyer, suportado ang panukalang i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga sa Pilipinas

SUPORTADO ng isang human rights lawyer at Free Legal Assistance Group (FLAG) chairperson Jose Manuel “Chel” Diokno ang panukala ni Senador Ronald “Bato” M. dela Rosa na i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Diokno, lubos niyang tinatanggap ang iminungkahing batas para i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga.

Ipinunto ni Diokno ang pagkagumon sa droga ay isang problema sa kalusugan na ayon sa mga eksperto ay tinutugunan ito sa pamamagitan ng rehabilitasyon at iba pang makataong paraan.

Giit pa nito na maraming mga bansa ang nagpatupad na ng mga naturang hakbang at napatunayang epektibo.

Kasabay nito, sinabi niya na ang dekriminalisasyon sa paggamit ng iligal na droga ay magpapababa sa mga kulungan sa bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter