Headcount sa Manila South Cemetery sa Nobyembre 1, umabot sa 450-K

Headcount sa Manila South Cemetery sa Nobyembre 1, umabot sa 450-K

UMABOT sa 450-K ang bilang ng mga bumisita sa Manila South Cemetery sa araw ng Undas ngayong taon.

Ito ay batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) command post ng nasabing sementeryo na nagsara ng alas sais ng gabi.

Ayon kay PCapt. Agapito Yadao, Jr. sobra ng 50,000 ang dumagsa kumpara sa inaasahang dobleng bilang ng nakaraang taon na nasa 200,000 lamang.

Ngayong Araw ng mga Patay ay inaasahan na mas mababa sa 10,000 ang dadaan sa mga puntod para mag-alay ng dasal, kandila, at mga bulaklak.

Sa kabila nito ay inaasahan pa rin na magtutuluy-tuloy ang pagbisita ng mga tao hanggang sa araw ng Linggo o ang katapusan ng long weekend.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter