Headline inflation rate nitong Marso, bumaba sa 7.6%

Headline inflation rate nitong Marso, bumaba sa 7.6%

BUMAGAL ang pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong February batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, pumatak sa 7.6% ang headline inflation ng bansa para sa buwan ng Marso na mas mababa sa 8.6% nitong buwan ng Pebrero.

Paliwanag ni National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa, ang mabagal na paggalaw sa presyo ng food and non-alcoholic beverages ang pangunahing may ambag sa pagbagal ng inflation.

Kabilang din sa factor ng pagbagal ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw sa presyo ng transport o ang presyo ng mga produktong petrolyo.

At ang pangatlong nag-ambag sa mababang inflation ay ang mas mabagal na paggalaw sa presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels.

Tinitignan ng PSA ang epekto ng nakaambang water crisis dahil sa El Niño sa magiging epekto ng inflation para sa buwan ng Abril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter