INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis sa 8% ang headline inflation sa Pilipinas sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Divina Gracia del Prado, OIC, Deputy National Statistician ng ahensiya na mas mataas ito kumpara sa 7.7% headline inflation ng bansa noong buwan ng Oktubre.
Aniya, mahigit pa sa doble ang itinaas sa nakaraang buwan ng Nobyembre kung ikumpara sa 3.7 porsiyento sa parehong buwan nakaraang 2021.
Pinakataas ito aniya simula noong Nobyembre 2008 kung saan naitala ang 9.1 porsiyento ng inflation rate.
Pinakamataas naman na inflation rate sa bansa ay naganap noong Enero 1999 sa 10.7 prosiyento.
Paliwanag ng PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.
Nagtaas din ang presyo sa restaurants, at accommodation services.
Ayon sa datos ng PSA, umabot sa 25.8 porsiyento nakaraang buwan ang inflation sa vegetables, tubers, plantains, cooking bananas, at pulses.
Ang pangatlong commodity group naman ay nagpakita ng mataas na inflation kabilang ang kuryente, renta sa bahay, at panggatong.
Dagdag ni Del Prado, tumaas sa presyo ng white onions ng 137.2 porsiyento at 47.2 porsiyento naman sa red onions.