DINEPENSAHN ni Thai Public Health Minister Anutin Charnvirakul ang mga miyembro ng parliamento na ang liberalisasyon ng cannabis o marijuana sa bansa ay nananatiling polisiya ng bansa pero mayroon namang kontrol ang paggamit nito sa hindi medikal na pamamaraan.
Binigyang-diin ni Anutin na ang panukala na i-decriminalize ang halamang gamot na ito at gamitin bilang isang controlled herb ay hindi desisyon lamang ng Public Health Ministry.
Sumailalim umano ito sa screening process gamit ang mga scientific evidence na nagpapakita ng maganda at hindi magandang dulot ng paggamit nito.
Ayon pa kay Anutin, ang panukala ay hindi mula sa Bhumjaithai Party pero ito ay inendorso ng House Scrutiny Committee na naglalaman ng representasyon mula sa government at opposition parties.
Dagdag pa nito, naglabas na ang Public Health Ministry ng utos na nagkokontrol sa hindi medikal na paggamit ng marijuana gaya ng paggamit nito sa paninigarilyo at mga extract nito sa publiko.
Samantala, nahaharap ngayon sa matinding oposisyon ang panukalang ito mula sa democrat party at iba pa.