Health professionals na may OEC at verified employment contract maaari nang mag-abroad

Health professionals na may OEC at verified employment contract maaari nang mag-abroad

PAPAYAGAN nang makalabas ng bansa ang health professionals na mayroong Overseas Employment Certificate (OEC) mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at verified employment contract mula noong Marso 8.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos itong aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Bukod dito, sinabi ni Roque na papayagan na rin na makalabas ng bansa ang mga balik-manggagawa o mga nagbabakasyon lamang sa Pilipinas at matagal na nagtatrabaho sa abroad.

 

Ang desisyon ay kasunod na rin ng apela ng grupo ng mga nurse na alisin na ang deployment ban ng mga health professional sa ibang bansa.

Matatandaang ipinatupad ang ban upang matiyak na may sapat na mga health workers sa bansa ngayong may kinakaharap ng COVID-19 pandemic.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.