Health Sec. Duque, dumepensa sa isyu ng VIP treatment kay Sen. Koko Pimentel

MARIING itinanggi ni Health Sec. Francisco Duque III ang mga alegasyong pinaboran umano niya sina Sen. Koko Pimentel at asawa nitong si Kathryna Yu-Pimentel.

Ito ay matapos mapabalitang may nilabag ang senador sa panuntunan ng Makati Medical Center (MMC) sa gitna ng krisis sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nilinaw ni Duque na hindi niya tinawagan ang pamunuan ng ospital para pakiusapang i-admit sa kanila ang mag-asawang Pimentel.

Kaugnay nito, nanawagan ang kalihim sa publiko na sundin ang ipinatutupad na enhanced community quarantine bilang measure na nakikita ng gobyerno para hindi na kumalat ang pandemic virus.

Naniniwala naman ang kalihim na may nilabag ang senador ukol sa quarantine protocol.

Una namang humingi ng paumanhin si Sen. Koko Pimentel sa pamunuan ng MMC matapos nitong labagin ang safety protocol ng ospital patungkol sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi naman niya intensyon na ilagay sa kapahamakan ang sinuman sa naturang ospital.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.