Health Sec. Duque, itinanggi ang pagpapalit ng RITM head

ITINANGGI ni Health Secretary Francisco Duque ang alegasyon na pagpapalit ng head ng health research facility sa bansa na nangunguna sa testing para sa COVID-19.

Ito ay matapos magviral sa social media nitong weekend ang appointment paper ni Health Assistant Secretary Nestor Santiago na pinapalitan si Dr. Celia Carlos bilang head ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang umano’y kautusan ay kasunod ng pagtanggi ni Carlos na iprayoridad ang mga politiko na sumailalim sa testing.

Paliwanag ni Duque, nananatili pa ring director ng RITM si Dr. Carlos at mayroon lamang pagkakamali sa lumabas na DOH-issued personnel memo.

Aniya, nagkamali lamang ang kanyang executive assistant at tanging kanyang inutos ay bigyan ng oversight powers si Santiago para makatulong kay Director Carlos sa pagpapalawig ng testing capacity ng bansa.

Hanggang noong Sabado, mayroon ng limang subnational laboratories na nagpoproseso ng COVID-19 testing: Ang RITM, Baguio General Hospital and Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu, at ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.