Health Sec. Francisco Duque III, negatibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Health Sec. Francisco Duque III.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na Sabado ng gabi lumabas ang resulta ng test na ginawa sa kalihim nitong nakalipas na linggo.

Aniya, nasa mabuting lagay naman ngayon si Duque na nananatiling naka-work from home.

Matatandaan na inirekomenda ang pagpapa-test sa COVID-19 ng health secretary matapos ilang beses itong na-expose sa isang opisyal ng DOH na nag-positibo sa sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.