ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng Department of Health (DOH).
Ito ang inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press conference.
Sinabi ni Angeles na maaring palawigin ang appointment ni Vergeire bilang DOH OIC matapos ang Hulyo 31, 2022 kung hindi pa rin makapili ang Pangulo ng kanyang DOH secretary.
Welcome development para sa DOH ang pagkakatalaga ni Vergeire bilang kanilang OIC.
Nangako naman ang kagawaran na patuloy silang magtatrabaho at ipagpapatuloy ang nasimulan sa nakalipas na administrasyon.
Umaasa rin ang kagawaran na makakarekober ang bansa sa pandemya.