Health workers sa mga probinsya, hihiramin para tumulong sa mga ospital sa Metro Manila

NAKIKITANG isang paraan ng palasyo ang kuhanin muna ang ilang doktor at health workers sa mga provincial government hospitals para tumulong sa mga health facility sa Metro Manila.

Ito ang naging tugon ng Malacanang matapos makapagtala ng maraming mga doktor at health workers dito sa Maynila ang naisailalim na sa pagiging person under investigation (PUIs) at person under monitoring (PUMs) dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang masama pa dito ay mayroon ng hindi bababa sa 4 na doktor ang namatay mula sa naturang sakit.

Kaya naman plano ng gobyerno na manghiram muna ng mga health workers sa mga ospital sa probinsya na wala pa naman gaanong naitatalang kaso ng COVID-19.

Ngunit ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ay kung mayroong willing o handang ma-assign dito sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Panelo na nagsasagawa na rin ang gobyerno ng tugon sa mga napupunong ospital dito sa maynila dahil sa patuloy na pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

“Puwede natin silang i-hire (health workers sa provincial hospitals). Ang problema, are they willing ba? Naghihintay tayo ng mga magvo-volunteer na tutulong sa gagawin nating paggagamot sa mga COVID patients… Mayroon na nga tayong tinitignan na mga bagong ospital. And we are forced to put them in room. Mayroon diyang gymnasium na puwede nating gamitin – in fact gawin nating ospital, diba? Lahat ‘yan tinitignan na natin at ginagawan na ng paraan ng DOH.” Ang tinig ni Presidential Spokesman Salvador Panelo

Leave a Reply

Your email address will not be published.