LUBOS na magiging apektado ang healthcare system ng bansa kung patuloy ang paglaganap ng Covid-19 Omicron variant.
Ayon kay National Task Force against Covid-19 adviser Dr. Ted Herbosa sa panayam ng SMNI news, mahirap kung lalaganap ito sa probinsya dahil hindi marami ang mga hospital dito.
Payo ni Herbosa, mas maganda na kung nagpositibo na sa Covid-19 ay ipagbigay-alam sa barangay officials upang mabantayan rin ng maigi ang galaw at hindi na makapanghawa pa.
Ang LGU naman ay nagbibigay ng mga ayuda at gamot para sa mga nagpa-positive.
Sa huli ay pinakaimportante rin ang magpabakuna na dahil kahit pa marami ang nahahawaan, mild at asymptomatic lang din ang epekto nito at mabilis pa na maagapan.
Tansya ni Herbosa, posibleng sisipa pa sa 40k ang magiging daily tally ng Covid cases sa bansa at maapektohan ang healthcare system ng bansa.