PATULOY na makakatanggap ng COVID-19 allowance ang mga healthcare workers kahit wala nang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang siniguro ng Pangulo matapos ang kanyang pakikipagpulong sa mga health official sa Malacañang.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi maaapektuhan ang pagbayad sa mga benepisyo ng mga health worker kahit hindi itinutuloy ang state of calamity.
Disyembre 31, 2022 nang natapos na ang pag-iral ng state of calamity sa bansa makaraang hindi na palawigin ni Pangulong Marcos.
Matatandaang Marso 2020 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Proclamation No. 929 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19.