HEART caravan, isinagawa sa probinsya ng Subayon, Bilar Bohol sa pangunguna ni Governor Arthur Yap.
Bohol Governor Arthur Yap pinangunahan ang programang heart caravan na naglalayong magbigay ng libreng serbisyo sa mga Boholano.
Sa pangunguna ni Bohol Governor Arthur Yap isinagawa nila ang programang heart caravan para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong sa panahon ng pandemya.
Dahil sa krisis na kinakaharap natin ngayon isinagawa ng gobernador ang programang heart caravan kung saan layunin ng programa na magbigay ng libreng setbisyo para sa mga mamamayan gaya ng check-up, gamot, libreng legal services, gupit at tulong pinansyal.
Una nang nag-ikot ang grupo sa Barangay Subayon lungsod ng Bilar na siya namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo na makararanas ng libreng serbisyo mula sa ahensiya ng gobyerno.
Samantala, nag-abot naman ang gobernador ng 100,000 tulong pinansyal para sa patubig ng Barangay Yanaya.
Sa bawat programang isinagawa ng ating gobyerno hatid nito ay pag-asa, lalo na sa krisis na kinakaharap natin ngayon.
Samantala, kasama naman ng gobernador sa pamamagi ng tulong sila Mayor Manuel Jayectin, Dir. Jerome Gonzales (DILG), CPT. Niel Anderson Espinosa (47th IB), PLT John Rey Digao (COP-Bilar), Kap. Fructuoso Boco, Kag. Rolando Tagadi-ad at ang iba pang mga opisyales ng Barangay.
(BASAHIN: Sec. Roque, hanga sa ipinapatupad na safety protocols sa Bohol)