Heart Evangelista, ibinahagi ang karanasan sa pagdalo sa Paris fashion week

IBINAHAGI ng actress/vlogger na si Heart Evangelista ang kanyang naging experience sa pagdalo kamakailan sa Paris fashion week.

Naging inspirasyon kamakailan ng maraming kababaihan at netizens ang aktres at model na si Heart Evangelista sa kanyang surreal na karanasan sa Paris fashion.

Matatandaang naging spotlight si Heart sa pagdalo sa prestihiyosong Paris fashion week kamakailan lang.

Sa kanyang online posts, ipinamalas ng actress-socialite ang kanyang outfit mula sa Viktor&Rolf.

Bukod dito isa rin sa nagpasaya kay Heart ang muling pagkikita nila ng sikat na French fashion designer na si Christian Louboutin.

Bumisita ang kilalang designer sa apartment ni Heart habang nasa France.

Matatandaang 2017, isinayaw siya ni Louboutin nang bumisita ito sa Pilipinas para sa Philippine Tatler Ball.

SMNI NEWS