Heat index sa ilang lugar ngayong Lunes posibleng aabot sa ‘danger level’

Heat index sa ilang lugar ngayong Lunes posibleng aabot sa ‘danger level’

INAASAHANG aabot sa ‘danger level’ ang 27 lugar sa bansa ngayong araw ng Lunes, Mayo 19.

Batay sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ng 45 degrees Celsius ang Dagupan City, Pangasinan, at ang Aparri, Cagayan.

44 degrees Celsius naman ang mararanasan sa Laoag City, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Echague, Isabela; Sangley Point, Cavite City; at CBSUA-Pili, Camarines Sur.

Mararanasan naman ang 43 degrees Celsius sa mga lugar ng MMSU, Batac, Ilocos Norte; Baler, Aurora; Subic Bay, Olongapo City; Camiling, Tarlac; Amnbulong, Tanauan, Batangas; Infanta, Quezon; at Cuyo, Palawan.

Samantala, 42 degrees Celsius naman ang mararanasan sa mga lugar ng NAIA Pasay; Science Garden Quezon City; Sinait, Ilocos Sur; Bacnotan, La Union; Casiguran, Aurora; Iba, Zambales; San Ildefonso Bulacan; San Jose, Occidental Mindoro; Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; Dumangas, Iloilo; Iloiloo City; at Catarmanm Northern Samar.

Hinimok naman ng pagasa publiko, partikular na ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na limitahan ang mga aktibidad sa labas, mmanatiling hydrated, at magsuot ng mga preskong damit para maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa init ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble