TATANGGALIN na ng Denmark ang height requirement na ipinapatupad nila para sa Danish Royal Life Guards.
Ayon sa Danish Defense, hindi dapat gawing isyu kung lalaki o babae ang isang life guard o kaya’y matangkad o pandak ito.
Ang importante anila ay magawa ng mga ito ang kanilang tungkulin.
Sa ngayon ay dapat 5 foot 9 ang height ng isang lalaking life guard habang 5 foot 6 naman para sa mga babae.
Kaugnay nito, umaasa sila na mas marami nang mga babaeng maeengganyo na magsilbi bilang Royal Life Guards.