Hepe ng Board of Special Inquiry ng BI na si Atty. Repizo, sinibak

Hepe ng Board of Special Inquiry ng BI na si Atty. Repizo, sinibak

SINIBAK na ng Department of Justice (DOJ) sa puwesto ang hepe ng Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) na si Atty. Gilberto Repizo, kasunod ng mga reklamong natanggap ng kagawaran kaugnay ng kaniyang trabaho.

Ayon sa DOJ, nawalan na ng tiwala at kumpiyansa sa kaniya si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaya ito ay inalis sa Immigration.

Kinumpirma rin ng BI ang natanggap nilang Department Order No. 435 para kay Repizo, at agad anila itong ipinatupad.

Ngunit sa panig ni Repizo, hindi siya sang-ayon sa kautusan at hindi niya ito susundin. Sa halip, iaakyat niya ang usapin sa Civil Service Commission, base sa opisyal niyang liham na ipinadala kay Remulla.

Batay sa kautusan, pansamantala munang ire-reassign si Repizo sa Office of the Justice Secretary habang hinihintay ang susunod na magiging desisyon ng DOJ hinggil sa kaniyang trabaho.

Una nang lumutang ang pangalan ni Repizo matapos niyang palagan ang umano’y pagpilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3B pisong e-gates project sa airport.

Samantala, tumanggi naman si Remulla na pag-usapan ang issue kay Repizo.

That’s internal matter. Hindi pa natin napag-uusapan ‘yan kasi due process ‘yan. Hindi natin pag-usapan ‘yan,” ayon kay Sec. Jesus Crispin Remulla.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble