Herlene Budol, ipinangakong “the best” ang kanyang ibibigay sa Miss Planet Int’l 2022

Herlene Budol, ipinangakong “the best” ang kanyang ibibigay sa Miss Planet Int’l 2022

HINDI mangangakong manalo subalit gagawin ang “the best”.

Ito ang sinabi ni Herlene Budol nang matanong hinggil sa kanyang paghahanda para sa coronation night ng Miss Planet International 2022 sa November sa Uganda.

Sinabi naman ni Budol na masaya siya at nabigyan siya ng oportunidad na irepresenta ang Pilipinas sa international scale gaya ng Miss Planet International 2022 sa pamamagitan ng Binibining Pilipinas.

Muli ring sinabi ni Budol na gagamitin niya ang wikang Tagalog sa question and answer portion para mas maintindihan at masabi niya nang maayos ang kanyang sagot.

Paraan niya na rin umano ito para ipagsigawan sa buong mundo na proud siya maging Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter