Hezbollah ng Lebanon, gumanti sa Israel matapos nasawi ang kanilang commander

Hezbollah ng Lebanon, gumanti sa Israel matapos nasawi ang kanilang commander

GUMANTI sa Israeli military ang Hezbollah militant group ng Lebanon matapos nasawi ang kanilang senior commander.

Tinatayang nasa isang daan na Katyusha rockets ang pinaulan ng Hezbollah sa Israel.

Sa panig ng Hezbollah, ang nasawing senior commander na kinilalang si Mohammed Naameh Nasser ay may kaparehong katungkulan kay Taleb Abdallah, isang commander rin na nasawi noong Hunyo.

Nitong July 3 nang mamatay si Naser.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble