Hidilyn Diaz, muling pinatunayan ang pagiging reyna sa weightlifting

Hidilyn Diaz, muling pinatunayan ang pagiging reyna sa weightlifting

MULING pinatunayan ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz na siya ang reyna ng weightlifting.

Kasunod ito sa kasalukuyang isinasagawang 2022 World Weightlifting Championship sa Bogota, Colombia kung saan nabuhat nito ang 114kg sa clean and jerk ng women’s 55kg division.

93kg din ang nabuhat nito para sa snatch kung kaya’t sa huli, ang total lift ni Diaz sa 3 event ay 207kg.

Kung ikukumpara, ang mga kalaban nito na si Rosalba Morales ay may total lift lang na 199kg habang si Ana Gabriela Lopez ng Mexico ay may 198kg.

Dahil dito, pawang gold medals ang matatanggap ni Diaz para sa clean, jerk at snatch events.

Tinagurian na ring World Champion si Diaz dahil dito.

Ang 2022 World Weightlifting Championships ay nagsimula noong December 5 at magtatagal hanggang December 16.

Follow SMNI NEWS in Twitter