NATAMO na ng Pilipinas ang kauna-unahang gold medal sa Olympics sa katauhan ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos pinangunahan niya ang 55-kilogram category sa women weightlifting.
224 kilograms ang kabuuang nabuhat ni Hidilyn Diaz at natalo nito ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China matapos umabot lang ng 223 kilograms ang kabuuang nabuhat nito.
Third place naman si Chinshanlo Zulfiya ng Kazakhstan na may 213 kilograms.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, si Diaz palang ang babae mula Mindanao ang nakasungkit ng gold medal at pang labing-isa ang kanyang medalya ngayon simula nang sumali ang Pilipinas sa Olympics noong 1924.
Malaki naman ang pasasalamat ni Diaz sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at higit sa lahat sa Panginoon.
“Hindi ako makapaniwala, na surpresa ako na nagawa ko yun, kakaiba si God, kakaiba si God. Sa lahat ng mga prayer warriors ko dyan sa Pilipinas, thank you so much, sa Team HD, at sa lahat ng sumuporta sa akin, thank you so much for believing in me,” pahayag ng Filipina weightlifter.
Inihayag din ni Diaz ang pagsubok na kanyang dinaanan bago pa man sumabak sa laro.
“Sa totoo lang ang dami kong pinagdaanan, after winning the Olympics, syempre ang hirap mag-sustain, 9/9 ako, tapos nagkaroon ng metrics. Nakapag-training ako sa BNP, sobrang gulo ng buhay ko nung time na yun, then we decided I have to stop in school para makapag- training, I sacrifice lahat, hindi ko nakasama yung nanay at tatay ko for how many months and years na. Then sa training syempre masakit, lahat masakit sa training pero may plano si God,” dagdag ni Diaz.