SISIKAPIN ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz na makakuha ng puwesto para sa 2024 Paris Olympics.
Ito’y dahil ayon sa atleta, huling Olympics niya na ito ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay naghahanda si Diaz para sa gaganaping International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand ngayong Abril.
Sasabak naman ang weightlifter sa 59 kilogram category dahil ibinasura na ang nakagawian nitong 55 kilogram.