Hidilyn Diaz, tampok sa Eastwood City Walk of Fame

Hidilyn Diaz, tampok sa Eastwood City Walk of Fame

PINARANGALAN na maging bahagi ng Eastwood City Walk of Fame si 2020 Tokyo Olympic Weightlifting Gold Medalist Hidilyn Diaz, dahil sa kaniyang naging kontribusyon sa larangan ng pampalakasan.

Isa si Hidilyn sa 8 personalidad na tumanggap ng bituin mula sa German Moreno Foundation.

Sa kanyang social media post kasama ang kanyang asawa, hindi naman mapigilan ni Hidilyn na magpasalamat sa karangalang kaniyang natanggap at aniya sa likod ng kanyang mga natanggap ay ang kaniyang asawa.

Maliban kay Hidilyn, ilan sa mga nakatanggap nito ay sina Maja Salvador, Ricky Lee, Mario Dumaual, Janet Basco, Gerry Baja, Ranz Kyle at Nianna Guerrero.

 

Follow SMNI News on Twitter