High-powered firearms, nakuha sa engkwentro ng militar at mga kalaban ng estado sa Misamis Oriental

High-powered firearms, nakuha sa engkwentro ng militar at mga kalaban ng estado sa Misamis Oriental

NASAMSAM ng militar ang ilang war materials ng mga rebelde matapos ang engkwentro sa Claveria, Misamis Oriental.

Sa ulat ng 2nd Infantry Division, tinatayang 15 miyembro ng Sub-Regional Sentro De Grabidad (SRSDG) Eagles ang nakaharap ng tropa ng 16th Infantry Battalion sa Barangay Mat-i.

Agad na tumakas ang mga kalaban ng gobyerno matapos ang engkwentro.

Habang nakuha sa lugar ang dalawang high-powered firearms kabilang ang M653 at M14 rifle, mga sako ng bigas at iba pang mga gamit.

Natunton ang mobility routes at mass base supporters para sa pagkain at estratehiya ng rebelde sa tulong ng impormasyon ni Gergie Liponhay, alyas Jayto, dating kumander ng armadong grupo.

Muling hiniling ng militar sa mga natitirang rebelde na iwanan ang armadong pakikibaka at mamuhay nang payapa lalo’t nalalapit na ang Kapaskuhan at bagong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter