High powered firearms, nakumpiska sa Cotabato

High powered firearms, nakumpiska sa Cotabato

ARESTADO ang isang tricycle driver matapos makumpiskahan ng matataas na kalibre ng armas sa Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Major General Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central, kinilala ang nahuli na si Avier Amal, 28 taong gulang at residente ng Barangay Damatulan ng nasabing lalawigan.

Nakuha sa kanya ang isang M653 carbine at dalawang M14 rifles na walang kaukulang dokumento.

Nahuli si Amal kasunod ng natanggap na impormasyon ng militar mula sa isang concerned citizen kaugnay ng mga dala nitong armas.

Dinala na sa headquarters ng 34th Infantry Battalion ang tricycle driver at ang mga armas para sa imbestigasyon.

Tiniyak ni Lieutenant General Alfredo Rosario, Commander ng Western Mindanao Command ang operasyon laban sa loose firearms ngayong panahon ng halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter