High-profile inmate na si Raymond Dominguez, natagpuang patay sa NBP

NATAGPUANG patay ang high-profile inmate na si Raymond Dominguez sa kanyang selda sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kaninang umaga.

Kinumpirma ito ni Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag.

Sinabi ni Chaclag na ilang araw nang tulala si Dominguez bago natagpuang walang buhay.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng inmate.

Noong 2020, nagpositibo sa COVID-19 si Raymond Dominguez na convicted carnapper at lider ng isang carjacking syndicate.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.