High-rank PNP official, kasama umano sa payroll ng POGO—PAGCOR

High-rank PNP official, kasama umano sa payroll ng POGO—PAGCOR

IBINUNYAG ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na mayroon umanong isa sa Philippine National Police (PNP) ang kasama sa monthly payroll ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay PAGCOR Senior Vice President Raul Villanueva, former high-ranking police official ang kaniyang tinutukoy na tumatanggap umano ng suhol para protektahan ang illegal online gaming business.

Binigyang-diin naman ni Villanueva na kino-confirm pa ito sa intelligence community.

Sa panig ng National Bureau of Investigation, iimbestigahan anila ang isyu lalo na’t sinabi rin na mayroong officials mula sa Bureau of Immigration ang tumulong kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na maka-eskapo sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble