High-value drug personality, naaresto ng PDEA sa Batangas City

High-value drug personality, naaresto ng PDEA sa Batangas City

INARESTO ng PDEA Seaport Interdiction Unit-Batangas kasama ang iba pang drug law enforcement unit ang isang high-value drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Batangas Port, Hulyo 17, 2024 ng alas 1:15 ng hapon kahapon.

Nakumpiska mula sa suspek ang mahigit sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,400,000.

Batay sa report ng PDEA Batangas na nakarating sa tanggapan ni Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Ron Ron Eugenio Reyes, 24, binata, walang trabaho.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble