High-value target drug personality, arestado sa La Union ng PDEA

High-value target drug personality, arestado sa La Union ng PDEA

ARESTADO ang isang high-value target drug personality matapos ipatupad at ihain ang search warrant ng pinagsanib ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency– Regional Special Enforcement Team (PDEA RSET), Unit (PDEA-SIU), ang PDEA-1st Provincial Mobile Force Company (LUPPO-1st PMFC), at ang Bacnotan Police Station sa nasabing lalawigan.

Batay sa inisyal report ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B Plaza kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang supek na si Godofredo Majadas Murao Jr.

Siya ay naaresto ng 4:53am nito lang Mayo 15, 2024 sa Bacnotan, La Union.

Nasamsam sa operasyon ang 22 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na humigit-kumulang 10 gramo na nagkakahalaga ng P68-K at nakarekober pa ng may limang gramo na nagkakahalaga ng P600, isang brown paper bag, dalawang bundle ng transparent plastic ng mga sachet, dalawang piraso ng improvised tooter, dalawang piraso ng improvised sealer, isang berdeng kahon na may label, at isang digital weighing scale.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa PDEA RO I Detention Facility sa Camp Diego Silang, Carlatan, San Fernando City, La Union at nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble