ARESTADO ang isang drug suspect na tinaguriang high-value-target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakuhanan ng P345-K halaga ng shabu matapos ang buy-bust operation sa Brgy. Santiago, Concepcion noong Sabado, Pebrero 24.
Batay sa report ng PDEA provincial officer, kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Jeremy Bryan R. Reyes, 27 at residente ng Las Piñas City.
Nakuha kay Reyes ang isang pirasong resealable transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P345-K; isang cell phone; at ang marked money na ginamit sa buy bust operation.
Napag-alaman na ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Tarlac Provincial Office, Naval Intelligence and Security Group-Northern Luzon at lokal na pulisya.
Isang non-bailable offense sa ilalim ng Section 5 (sale of dangerous drugs), Article II ng Republic Act 9165 ang isinampang kaso laban kay Reyes.