Higit 1.3 milyong katao, apektado ng air pollution sa Thailand

Higit 1.3 milyong katao, apektado ng air pollution sa Thailand

APEKTADO ng air pollution ang higit isang milyong katao mula sa Thailand.

Inihayag ng isang espesyalista ng respiratory diseases at tuberculosis na ang PM2.5 dust sa Thailand ay posibleng makaapekto sa mga kabataan at nagbubuntis.

Ayon kay Dr. Opart Karnkawinpong Public Health Permanent Secretary, nagmula ang PM2.5 dust mula sa pagkakaingin.

Base sa datos higit 580,000 na ang naitatalang kaso ng respiratory disease, higit 260,000 ang kaso ng skin infection, higit 240,000 na kaso ng eye infection at higit 200,000 kaso ng stroke ang naitala mula rito.

Sa inilabas naman na datos ng medical journal ng American Heart Association nasa higit 30 probinsya sa bansang China ang apektado ng nasabing air pollution.

Samantala, patuloy sa pangangalap ng impormasyon ang mga doktor sa Thailand upang masolusyunan ang nasabing problema.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter