Higit 1-B halaga ng shabu sa Valenzuela, nasabat ng PDEA, PNP, AFP at NICA

Higit 1-B halaga ng shabu sa Valenzuela, nasabat ng PDEA, PNP, AFP at NICA

AABOT sa PHP 1.088 billion na halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na humigit-kumulang 160 kilo ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ngayong araw, Marso 8, 2022 bandang alas 3:30 ng hapon sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City ng magkasanib na elemento ng PDEA, PNP, AFP at NICA.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins M. Villanueva ang isang suspek na si Tianzu Lyu ng Fujian China at ang kanyang kasamang babae na si Meliza Villanueva ng Conception Tarlac.

Ayon kay Villanueva na nagkaroon ng serye ng sunod sunod na anti-drug operations kung saan noong Marso 1, 2022 – dalawang kilo ng shabu na nasa PHP 13.6 million ang halaga ang nasamsam sa isang drug personality sa Cavite, habang noong Marso 2, 2022 – apat na kilo ng shabu na may halaga na PHP 27.2 million ang nasamsam sa isang drug personality sa Bulacan.

Noong Marso 2, 2022  nasamsam ang 60 kilo ng shabu na aabot sa PHP 408 million ang halaga at naaresto ang isang drug suspect sa Cebu; noong Marso 3, 2022 – 200 grams ng shabu ang nasamsam na may PHP 1.36 million ang halaga at naaresto ang apat na drug suspect sa buy-bust operation sa Escalante City, Negros Occidental.

Noong Marso 4, 2022 nasamsam naman ang 5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP 34 million at naaresto ang isang drug suspek.

Sa kabuuan, ang mga anti-drug operations na ito ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 231.2 kilo ng methamphetamine hydrochloride na nagkakahalaga ng Php 1.57 billion.

Follow SMNI NEWS in Twitter