Higit 100 beds para sa mga COVID-19 patients, inihahanda na

NAGDAGDAG pa ang Philippine General Hospital (PGH) ng kanilang hospital beds para sa mga magpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos tanggapin ng PGH ang request ni DOH Sec. Francisco Duque III na gawing National Capital Region (NCR) COVID-19 Referral Center ang naturang ospital.

Mula sa dating 130 ay ginawa na ito ngayon sa 150 hospital beds.

Bukod sa PGH, tatanggap din ng mga pasyente ng COVID-19 ang Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City at Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.

Sa ngayon, isang COVID-19 patient pa lang ang naka-confine sa PGH.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.