Higit 100 bilanggo, nakapagtapos sa pag-aaral sa kulungan

Higit 100 bilanggo, nakapagtapos sa pag-aaral sa kulungan

IPINAGDIWANG ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF), sa pamamagitan ng Department of Education, Occidental Mindoro sa pamumuno ni Rodel S. Magnaye, Assistant School Division Superintendent ang pagtatapos ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Higit sa 70 mga PDL ang nakapagtapos ng edukasyon mula sa Alternative Learning System (ALS) at junior high school.

Nakatanggap din ng certificate of completion ang mga PDL.

Taas noong ipinagmamalaki ng mga PDL ang importansya ng edukasyong kanilang natanggap mula sa BuCor.

Nagpakita naman ng buong suporta ang mga kawani ng BuCor sa SPPF sa mga nakapagtapos ng pag-aaral na isa sa repormang ipinaiiral sa buong kolonya ng BuCor sa ilalim ng pamamahala ni Director General Usec. Gerald Bantag.

 

Follow SMNI News on Twitter