Higit 100 claimants ng kumpanyang Saudi Oger, dumalo sa pagpupulong ng DMW

Higit 100 claimants ng kumpanyang Saudi Oger, dumalo sa pagpupulong ng DMW

DUMALO sa isang pagpupulong ng Department of Migrant Workers (DMW) ang higit 100 claimants ng  kumpanyang Saudi Oger.

Ito ay kaugnay sa registration sa pag-update ng impormasyon para sa mga unpaid wages at salaries ng mga OFW sa Saudi Arabia.

Matatandaan, nangako ang pamahalaan ng Saudi Arabia ng 2 bilyong riyals para sa sweldo ng may 10,000 overseas Filipino workers na hindi binayaran ng naluging kumpanya.

Bukod sa Saudi Oger, kabilang sa babayaran ng crown prince ang mga OFW na nagtrabaho sa kumpanyang MMG, Bin Laden group, at iba pang construction firms na nagdeklara ng bankruptcy.

Ang naturang pagpupulong ay isinagawa sa tanggapan ng DMW, ngayong Lunes, Enero 23, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter