Higit 100, graduate na sa 4Ps sa BARMM

Higit 100, graduate na sa 4Ps sa BARMM

GRADUATE na sa Pantawid Pilipino Program (4Ps) ang 167 benepisyaryo mula Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagmula ang mga ito sa mga munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat, Sultan Mastura, Parang, at Upi Maguindanao del Norte.

Ayon sa Bangsamoro Government, ang pagtatapos sa 4Ps ay nangangahulugan ng pag-angat sa buhay ng mga benepisyaryo.

Ngayong tapos na sila sa 4Ps, pwedeng i-avail ng mga ito ang iba pang BARMM programs gaya ng Sustainable Livelihood Program (SLP), Bangsamoro Sagip Kabuhayan (BSK) at Angat Bangsamoro Kabataan tungo sa Kinabukasan (ABaKa) para sa kanilang patuloy na pag-unlad.

Binigyan naman sila ng P15,000 para ikapital sa negosyo.

Sa mahigit 4 na milyong households na kasama sa 4Ps Listahanan, sapat na bilang sa mga ito ay mula sa BARMM.

Follow SMNI NEWS in Twitter