ISINAILALIM sa pre-emptive evacuation ang 34 pamilya o 162 indibidwal sa Cagayan Valley dahil sa Bagyong Obet.
Batay ito sa ulat ng NDRRMC, Oktubre 21.
Partikular na nagmula ang mga apektadong residente sa Pamplona, Santa Praxedes at Aparri sa Cagayan.
Nakapagtala rin ng 11 pagbaha sa ilang lugar sa Cagayan Valley, kung saan may isang kalsada ang hindi madaanan ng mga motorista.
Sinuspinde naman ang 17 pasok sa eskwelahan sa rehiyon dahil sa nararanasang masamang panahon.
Patuloy na pinag-iingat ang publiko lalo na sa flood at landslide-prone areas.