Higit 100 katao na inaresto sa isang bar sa Makati, nakadetine pa rin

Higit 100 katao na inaresto sa isang bar sa Makati, nakadetine pa rin

HANGGANG sa ngayon ay naka-detine pa sa Guadalupe Gym ang mahigit 100 katao kabilang na ang host na si KC Montero matapos salakayin ng mga pulis noong linggo ng hapon ang isang bar sa Makati na nagdaos ng  pagtitipon na hindi nasusunod ang physical distancing.

 

Ayon kay Police Major Gideon Inez ng Makati Police  hinihintay pa ang disposition ng fiscal hinggil sa pagkakaaresto ng nasa 113 katao sa isang bar sa isang condominium sa Brgy. Bel Air sa Makati City kung saan kabilang ang mga Pilipino at banyagang kustomer.

 

Nitong linggo ng hapon ay ginawa ang operasyon matapos makatanggap ng ulat ang mga awtoridad kaugnay sa operasyon ng bar dahil sa hindi nasusunod ang social distancing at nadatnan pa ito ng mga pulis na walang suot  ang mga ng face mask ang mga tao.

 

Dinala rin sa presinto ang apat katao na may-ari at  nagtatrabaho sa bar.

 

Sinabi ni Police Col. Oscar Jacildo  ng Makati City Police Station, hinihintay na lamang ang resolution na manggagaling sa prosecutors office na nag-inquest sa mga ito.

 

Sa ilalim kasi ng General Community Quarantine ay ipinagbabawal pa rin ang operasyon ng mga bar.

 

Sa kabila nito, ay nahaharap sa patong-patong na kaso ang may-ari ng bar habang kakasuhan naman ang mga naaresto ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Act.

 

Dagdag pa ni Col. Jacildo, bailable naman ang kaso pero kung wala pang disposition ang prosecutor ay mananatili muna sila sa gym ngunit inaasahan na lalabas na rin sila ngayong araw.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.